Menu
Philippine Standard Time:
FOI
Transparency
DepEd Parañaque

ANNOUNCEMENTS

ONLINE enrollment for SY 2021-2022 will start on August 16

EVENTS

DEPED LINKS

CONNECT WITH US

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Private School Related Matters

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:

 Q1:  Maaari bang tanggapin at sertipikahan ang nawala o nasirang school record ng mag-aaral?

A:  Oo, ito ay maaari. Ang aplikante ay dapat na magbigay ng kahit na alin sa sumusunod bilang basehan sa pagsasaayos ng pang-akademikong school record

  1. Kasumpaang pahayag ng sinumang dalawa (2) sa mga sumusunod: kamag-aral, punong-guro o guro ng mag-aaral, kasama ang anumang litrato, souvenir, o program sa ginanap na pagtatapos.
  2. Sertipikadong kopya ng Form 137 o Form 138 ng mag-aaral sa kahit saan mang tertiary learning institutions; o diploma/kopya ng mga dokumento mula sa kasalukyan/nakaraang employer ng mag-aaral.

Q2:  Ano ang kailangang ipasa sa enrollment

A:  Birth Certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). Maaari ring tanggapin ang mula sa National Statistics Office.

Kung sakaling walang PSA birth certificate, ang magulang/tagapag-alaga ay kinakailangang magbigay ng birth certificate (late registration) mula sa local civil registrar o barangay certificate na naglalaman ng pangunahing impormasyon ng mag-aaral tulad ng:

Pangalan ng bata (first name, middle name, last name)

Pangalan ng Magulang

Petsa ng Kapanganakan

Q3:  Anong Birth Certificate ang hahanapin ng paaralan para sa enrolees, National Statistics Office (NSO) po ba o Philippine Statistics Office (PSA)?

A:  Kung ang mag-aaral ay isinilang bago Disyembre 29, 2013 ay NSO. Kapag December 29, 2013 onwards ay PSA.

Q4. Maaari bang pagbayarin ng mga pampribadong paaralan ang ESC grantees nang sobra sa idineklarang kabuuang school fees sa ESC IMS?

A:  Hindi pinahihintulutan ang mga private school na maningil nang sobra.

Sakaling magkaroon ng overcharging, dapat na ibalik ng paaralan ang sobrang ibinayad ng mga ESC grantees at may suspensiyon mula sa pag-iimbita at pagtanggap ng ESC grantees sa Grade 7 ng halos isang taon.

Q5. Pinahihintulutan ba ang mga pribadong paaralan na hindi ibalik o matagalan ang reimbursement ng school fees na naunang binayaran ng ESC grantees matapos bayaran ng DepEd ang paaralan?

A:  Hindi. Inaasahan na maibabalik ng paaralan ang paunang bayad ng ESC grantees sa loob ng 30 araw matapos matanggap ng DepEd ang kanilang resibo.

Kung sakaling walang nangyaring reimbursement o tumagal pa ito sa 30 araw, kailangang ibalik ng paaralan ang naging bayad ng mga mag-aaral sa school fees at suspensiyon mula sa pag-iimbita at pagtanggap ng ESC grantees sa Grade 7 ng halos isang taon.

Q6. Kailangan bang bayaran ng mga ESC transferring grantees ang mga unattended school years?

 A:  Hindi. Kung sakaling kailanganin ng mga ESC transferring grantees na bayaran ito, may pananagutan ang pribadong paaralan sa pamamagitan ng pagbawas sa kabuoang slot ng ESC Grade 7 depende sa bilang ng mga naapektuhang mag-aaral.

Q7. Ano ang ibig sabihin ng accredited school?

 A:  Ang isang pribadong paaralan ay accredited school kung ang paaralan ay nabigyan ng DepEd Regional Director ng government permit or recognition na mag-offer ng basic education.

Q8. Ang mga private schools ba ay kailangang magkaroon muna ng government permit or recognition bago mag-umpisa ng enrolment?

 Oo, nasa mandato ng mga  private schools na kumuha muna ng government permit or DepEd recognition bago tumanggap ng mga mag-aaral at bago mag-umpisa ang educational operation.

Q9. Ang private schools ba na may nakabinbing  government permit application ay papayagang mag advertise at tumanggap ng mga  enrolees?

 A:  Ang private schools ba na may nakabinbing  government permit application ay papayagang mag advertise at tumanggap ng mga  enrolees?

Q10. Ano ang epekto kung ang private school ay may government permit or DepEd recognition?

A:  Ang private school na ito ay may karapatang magbigay sa kanyang mga mag-aaral ng certificate, title, o diploma sa natapos na kurso.

A:  Ang lahat ng mag-aaral na nagtapos sa kursong kinuha ay mabibigyan ng lahat ng benipisyo at prebilihiyo na  nauukol sa lahat ng nagtapos sa kahalintulad na kurso na kinilala ng gobyerno.

Q11. Ano ang epekto kung ang isang Deped recognized private school ay lumipat ng lokasyon?

 A:  Ang government recognition ng isang private school na lumipat ng lokasyon ay mawawalan ng bisa.

Q12. Maaari bang hindi ibigay ng mga pampribadong paaralan ang kredensiyal ng mga mag-aaral?

 A:  Oo, maaaring hindi ibigay ng mga pampribadong paaralan ang kredensiyal ng mga mag-aaral kung ang dahilan ay suspensyon, pagpapaalis, o hindi pagtupad sa financial liability at property accountability ng mag-aaral sa paaralan.

Q13. Ano ang mangyayari sa mga pribadong paaralan na hindi magbibigay ng kredensiyal sa kanilang mag-aaral base sa iba pang dahilan maliban sa suspensiyon, pagpapaalis, o hindi pagtupad sa financial liability at property accountability ng mag-aaral sa paaralan?

 A:  Maaari silang sampahan ng kasong administratibo

Q14. Maaari bang pigilan ng mga pribadong paaralan ang transfer credentials ng mga ESC grantees na nagnanais na lumipat ng ibang paaralan?

 A:  Hindi dapat pigilan ang school credentials ng mag-aaral.

Q15. Ano ang LRN?

 A:  Ang Learner Reference Number (LRN) ay isang permanenteng12-digit number na ipinagkaloob sa isang mag-aaral habang kinukumpleto niya ang basic education program.

Q16. Maaari bang magkaroong ng dalawang LRN ang mag-aaral?

A:  Hindi. Isa lang ang LRN ng isang mag-aaral sa buong basic education program.

Q17. Kung sakaling dalawang LRN ang naibigay sa mag-aaral, ano ang dapat gawin?

A:  Makipag-ugnayan sa inyong gurong-tagapayo (class adviser) upang malutas ang suliranin.

Q18. Maaari bang magbigay ang mga pribadong paaralan ng sariling LRN sa kanilang mag-aaral?

A:  Hindi. Tanging ang Database Management Unit Office ng Planning Service ng DepEd Central Office ang nagbibiaay ng LRN sa mga mag-aaral sa pakikipag-ugnayan ng Parañaque Division Planning Office.

Q19. Mayroon bang kailangang bayaran sa paghingi o pag-garantiya ng LRN?

A:  Wala. Nakasaad sa polisiya ng bansa ang pagbibigay ng edukasyon sa lahat sa pamamagitan ng paghahatid ng libre at kinakailangang edukasyon sa mga mag-aaral sa elementarya pati na rin sa sekundarya.

Q20. Paano kung walang profile ang mag-aaral sa Learner Information System habang enrolment?

A:  Makipag-ugnayan ang magulang sa gurong tagapayo para masagutan nang maayos ang Basic Education Enrollment Form.

Q21. Paano ko maililipat ang aking anak mula sa private school papunta sa public school kung hindi ko pa nakukuha agad ang kanyang card?

A:  Pumunta sa pinakamalapit na public school at ipatala ang inyong anak at base sa DepEd Order No. 8, s. 2020 binibigyan ang magulang na maibigay ang kredensyal ng bata bago matapos ang Disyembre, 2020.

 

Public Schools

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Q22. Ano-ano lamang ang authorized contribution sa public school?

A:  Ang mga sumusunod lamang ang pinahihintulutan:

School Publication

Membership fee/s in:

Red Cross

Girls/Boys Scout of the Philippines

School Students Government/School Pupil Government

Q23. Maliban sa mga nabanggit, ano pa ang maaaring maging kontribusyon ng mga magulang sa paaralan?

A:  Maliban sa mga unang nabanggit, maaaring magbigay ng kontribusyon ang mga magulang kung ito ay kanilang napagkasunduan para sa ikabubuti ng paaralan.

Q24. Sapilitan ba ang “PTA Contribution” ng mga magulang?

A:  Hindi. Ang PTA Contribution ay boluntaryo lamang.  Sila ay pinapayagan lamang mangolekta kapag sila ay RECOGNIZED na ng punongguro.

Q25.  Pinahihintulutan ba na mangolekta ng PTA Contribution ang mga guro at kawani ng paaralan?

 A:  Hindi pinahihintulutan ang sinumang guro o kawani ng paaralan na mangolekta ng PTA Contribution. Ito ay salungat sa “Code of Ethics of Professional Teachers”.

Q26. Ano ang pwedeng gawin kapag nawala ang libro?

A:  Maaaring magbigay ng notarized Affidavit of Loss, sertipikasyon na galing sa barangay, o sulat galing sa magulang at pirmado ng gurong tagapayo na ito ay nawala dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari o kalamidad tulad ng sunog, baha, o lindol.

Sulat galing sa adviser at pirmado ng punongguro na ang bata ay lumipat ng ibang paaralan o hindi na pumasok sa paaralan para maiiwas sa pananagutan ang guro.

Q27. Ano ang gagawin kung hindi naisauli ang libro sa takdang araw?

A:  Maaaring maisauli ang mga libro sa susunod na pagkuha ng modules sa paaralan.

Q28. Sino-sino ang mga makatatanggap ng learning tablets?

A:  Ang makatatanggap lamang ng learning tablets ay ang mga mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1 na nakapagpatala sa paaralan ng Parañaque.

Q29. Sino ang maaaring kumuha ng learning tablet sa paaralan?

A:  Ang magulang o guardian ng mag-aaral ang maaaring kumuha at tumanggap ng learning tablet sa paaralan sa itinakdang schedule. Magdala lamang ng ID o katunayan na siya ay magulang o guardian ng mag-aaral.

Q30. Ano ang gagawin kapag natanggap na ang learning tablet?

A:  I-check pong mabuti ang learning tablet na matatanggap. Siguraduhin na ito ay gumagana at nasa tamang kundisyon.  Gayundin ang pag-iingat sa learning tablet ay responsibilidad ng magulang.

Q31. Kailan lamang dapat gamitin ang learning tablet?

A:  Ang Learning Tablet ay maaari lamang gamitin sa pag-aaral ng mga bata at hindi sa ano pa mang layunin.

Q32. Ano ang dapat gawin kapag nasira ang tablet?

A:  Kung sakaling masira ang tablet, mangyaring ipagbigay alam agad sa adviser ng bata upang ito ay magawan agad ng paraan at upang mapagbigay alam din ng adviser sa school property custodian.

Pansamantala munang gamitin ang modules para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng inyong anak.

Q33. Ano ang dapat gawin kapag nawala ang learning tablet?

A:  Kung ang learning tablet naman ay nawala dahil sa mga di inaasahang pangyayari katulad ng baha, sunog at lindol, makipag-ugnayan kaagad sa adviser.  Mangyari lamang din na gumawa ng maikling salaysay ukol sa pagkawala ng tablet na may pagsang-ayon ng adviser o sertipikasyon galing sa Barangay na kayo ay nabaha o nasunugan.

Q34. Babawiin ba ang tablet?

Opo. Bago matapos ang school year, ang tablet ay kailangang maisauli sa adviser na kanya din namang ibabalik sa school property custodian para sa imbentaryo (annual inventory).

Q35. Ano ang responsibilidad ng magulang sa learning tablet?

A:  Mahigpit na ipinapakiusap sa mga magulang na lubos na subaybayan ang mga bata sa paggamit ng tablet. Responsibilidad ng bawat magulang o guardian na ito ay pangalagaan at ingatan sapagkat ito ay pag-aari ng gobyerno at pansamantalang ipinahiram lamang.